Sunday, September 9, 2007

Walong Pares sa Ika-Walong Beses

Ika-walong anibersaryo na ng Sienna ngayong Setyembre, 2007 at maligayang ipinagdiriwang ng buong grupo ang masaya at matibay na pagsasamahan ng walong pares na kinabibilangan ng mag-aasawang sina: Monty at Lani Sarabia, Elmer at Joy Rombaoa, Chris at Beth Santos,Joel at Dahlia Alcaraz, Jun at Aida Solano, Romy at Chic Rosalinas, Danny at Mila Tai, Ogot at Cristy Jacobo.

Isang pagsasalu-salo ang gaganapin sa gabi ng ika-21 ng Setyembre, kasama ang mga pastor ng FECP-Aurora. Ihahain ang masasarap na lutuing Pilipino, at idaraos ang kasiyahan na may temang tunay na Pilipino: mga awit, sayaw, harana at iba pa.

Sa ating Panginoong Dakila at Tapat ang aming taos-pusong pasasalamat para sa mga biyaya ng matibay at maligayang samahan.

MALIGAYANG BATI SA ATING IKA-WALONG ANIBERSARYO at NAWA'Y LALO PANG MAG-IBAYO ANG BUHAY NI KRISTO SA ATING GRUPO!!!

No comments:

Post a Comment

KEEP GOD FIRST IN YOUR LIFE!

KEEP GOD FIRST IN YOUR LIFE!
(1.) God First! (2.) Marriage, (3.) Family (4.) Ministry/workplace (5.) etc.