Sunday, February 21, 2010

IKA-LIMANG DECADA NI ATE MILA






Akalain mo! 50 na si Ate Mila... parang 49 and a half lang naman diba? Well time flies. Parang kailan lang, ang lilinggit pa nina Mike and Lenlen. Ngayon malapit nang maging ganap na nurse ang panganay na si Mike, at si Lenlen naman, ganap na dalaga na!

Kamusta naman ang celebration? Siempre masaya and very significant kasi sinabay ito sa dedication ng Villa Corazon Ministry (parents and kids ministry na ito...big time na) and ang pagbabalik ng mga pako, semento at kung anu-ano pa sa hardware na muling binuksan nina Ate Mila at Kuya Danny. I just discovered the full story behind their acquisition of said property in Cupang... aba naman, very interesting pala ang kuwento kung paano ipinagkaloob ito ni Lord sa mag-asawang Tai. Pero ang buong kuwento? Next issue na lang. Tutok muna tayo sa berdey girl!

Isang nakabubusog na dinner sa Luyong's Marikina ang sinagot ng ever-generous na si Ate Mila. Sang damakmak na hipon, shanghai rice, lumpiang shanghai, shanghai chicken at kung anu-ano pang shanghai food (hehe) and not to forget the pancit for long life... tamang tama sa very long na pagbati ni Chris sa video ng HAPPY BIRTHDAY MILAAAAAAAAAA na umabot ng limampung taon!

Siempre may kantahan at laglagan... dito nalaman ni Mila ang mga sikreto niya na kami lang ang unang nakaalam. Si Mila pala ay tunay na kaibigan, giver, driver, plumber, mason, carpintero, arkitekto, magaling mag linis, maglaba, mag-ayos (pati ng mukha... remember meldific beauty?) at OC and OA daw na mommy! Eh kasi naman over-protective daw. Talaga naman ganun ang nagmamahal diba? Well, to sum it all, Mila has been a blessing to many lives. Isa siyang inspirasyon--astig na inspirasyon sa nakararami! Kung di ba naman astig eh, nagpaopera ba naman mag-isa tapos nag drive pa pauwi pagkatapos ng operasyon! Yan si Ate Mila... atapang atao, and very thoughtful din naman.

Isang magandang halimbawa sa mga Career-Moms, isang tunay na blessing, kaya keep it up...mabuhay ka Ate Mila at Maligayang Kaarawan sa Iyo!!!

Marikina 1 District Fellowship, Feb 19 2010

7_11 GROUP


SIENNA Group


WORD OF LIFE GROUP


PROVIDENT GROUP


MARTHAS

KEEP GOD FIRST IN YOUR LIFE!

KEEP GOD FIRST IN YOUR LIFE!
(1.) God First! (2.) Marriage, (3.) Family (4.) Ministry/workplace (5.) etc.